Thursday, March 8, 2012

IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES, GRRR..

Ilalahad ko lang ang natatangi kong karanasan sa pagkuha ng NBI Clearance
nung March 8, 2012 sa NBI Main Office dyan sa UN Ave. sa Manila,
Number of Applicant na Kaya nila Serbisan dito sa main: 6000/ Day (Daw.).
then sa ibang outlet mga 600 lang (DAW..di kasi ako sure kung tutoo hehe..)

ito ang mga dala kong requirements:
1. SSS ID (any 1 Valid ID, pero mas ok pag 2, pde rin daw birth cert mula sa NSO)
2. lumang NBI clearance
3. Black Ballpen
4. 115 pesos (pang lokal Employment)

(Yung walang dalang ID pde na umuwi,  kung sakali may kasama kayong pumunta di applicante,
nde sila papayagan sa loob ng office so sa labas sila mag hihintay mga ilang oras lang naman yan.:P.)

Detalye ng Nangyari sakin:
Alas 3 ng umaga pag dating ko may mga halos 20 nang nauna sakin, so pumila na rin
ako, maya maya pa pahaba na ng pahaba ang pila,

Alas 5 binukod and babae sa lalaki, babae sa 1st line, lalaki sa 2nd line
Alas 6 Malapit na magsimula, binukod at pinauna ang mga buntis, may kapansanan at seniors at mga for Releasing.

Alas 6:30 Pinauna lahat ng babae (nung time lang ng opening ng gate to, so maswerte andmga babaeng nandun bago bumukas ung gate,), then after maubos mga girls kaming mga lalaki naman
(so lugi kami since kahit pang 20+ ako dumating sa haba ng pumasok na babae ang layo ko na, shet!!)

Alas 6:45 Pagpasok kumuka agad ng Application form sa gate may maliit na tent dun na puro forms
then proceed kami sa isang room na puno hilehilerang upuan sa isang malaking court sa ground floor.

DITO NA UNG SIMULA:

Alas 7:00 Habang nakaupo Sabay Sabay kaming tinuruan kung pano i- fill up ung form. Masaya ung nagsasalita so hindi boring.

Ground Floor
Step 1 : Fill up Form
Step 2 : Data Checker (papa check ung mga sinulat mo vs ung ID mo)
Step 3 : Payment Section (be sure na kunin ang resibo)

2nd FLoor:
After Magbayad Proceed ka sa 2nd Floor para sa Data Encoding
ang mga babae sa kaliwang section then lalaki sa kanan, pilapila to pero nakaupo ang lahat;
may tig 5-10 personel na naman na nag nagaasist so mabilis sya.
Iabot and form saka resibo, ita-type nila ung information mo sa computer..tignan mo ung screen kung sakaling may mali para pde mo ipa correction.

3rd Floor:
After Ma-encode ung information sasabihin sayo na pumunta ka na sa 3rd flr
para sa picture taking and sa biometrics (dati ito ung thumbmarking na detinta pero ngayon computerized na, so hindi na dudumi kamay mo and wala ka nang babayarang 5pesos na tissue)
Pila pila din to, kung turn mo na iabot sa cleark ung form at resibo, then papaupuin ka sa harap ng clerk then may webcam sya na kukuha ng litrato mo. after mo kunan isa isa mo
i papatong daliri mo sa maliit na aparato para makung mga fingerprint mo.

ung nag finger print sayo ay sya rin ang mag sasabi kung pde ng mag proceed sa printing
or babalikan mo sa ibang araw (in case may kapangalan ka na may kaso), in my case pinabalik ako
(10 working days) 2 weeks after, so March 22. (isusulat nya ung date sa likod ng resibo kung kelan ka dapat bumalik para sa releasing)

So sa mga masweswerteng pumasa sa step na to, sasabihin sayo na ipriprint na ung clearance mo
then proceed ka na sa releasing, sama day din to.

so from 3:00am natapos ako mga 8:30 pero sa babae mas mabilis ng konti dahil nga papaunahin kayo
sa umpisa. good news is maluwag ang exit walang crowd :P